Iwasan mong magtaglay ng isang malalim na diwa
Katulad ng isang makata
Upang hindi ka maging alipin
ng mga damdaming payak ang isipin
Huwag kang palilinlang sa bawat taludtod
na isinasatinta ng isip at puso
'wag mong hayaang magmula sa yong mga kamay
ang mga damdaming nakatitik sa iyo'y papatay.
Huawag kang maging makata
Huwag kang maging baliw
Huwag mong pigain ang 'yong utak
upang ang iba'y maaliw.
Sayang ang mga kalyo na supling ng iyong damdamin
Sumisigaw, humihiyaw, subalit hindi naririnig
Sasaktan ka lamang ng 'yong mga tula
Nanakawin ang yong katinuan na kaytagal mong pinagpala
paluluhain ka lamang ng sarili mong taludtod
at ang taglay niyang lalim ang iyong ikalulunod
Mauubos ang luha, matutuyo ang utak
subalit sa huli'y wala ka ring mapapala
Kaya't huwag kang maging makata
Huwag mong pangarapin
Huwag kng maging tulad ko na habang buhay na baliw